Nag-anunsyo na ang ilang mga kumpanya ng langis ng ipatutupad nilang price adjustments sa petrolyo sa linggong ito.
Ito ang unang beses na magkakaroon ng dagdag-presyo sa gasolina matapos ang walong linggo.
Sa abiso ng Shell, Seaoil, Petro Gazz at Eastern petroleum, tataas ng P0.40 ang kada litro ng kanilang gasolina.
Magkakaroon pa rin naman ng kakarampot na rollback sa diesel na P0.10 kada litro habang ang kerosene o gaas ay may bawas na P0.45 kada litro.
Ang galaw sa presyo ng apat na kumpanya ng langis ay ipatutupad alas-6:00 ng umaga bukas, araw ng Martes.
Ang pagtaas sa presyo ng gasolina ay dahil sa pasya ng Organisation of the Petroleum Exporting Countries at Russia na bawasan na ang produksyon ng langis.
Matatandaang ang sunud-sunod na rollback sa presyo ay dahil sa oversupply.
Inaasahan namang mararamdaman ang mas malaking epekto ng bawas-suplay sa mga susunod na linggo.