Binabantayang drug suspek sa Bulacan, patay sa engkwentro

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Bagong Buhay 1, San Jose del Monte City, Bulacan.

Agad na nasawi ang suspek na kinilalang si Jayson Udal na nabatid na kabilang sa binabantayang watchlist ng mga drug personalities sa naturang lugar.

Batay sa paunang impormasyon mula sa mga elemento ng San Jose del Monte City Police Station, nagpositibo ang operasyon at nakabili sila ng isang sachet ng shabu mula sa suspek.

Ngunit nakatunog si Udal na mga pulis pala ang kanyang katransaksyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga otoridad nang tangkain na nila itong arestuhin.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Udal.

Napag-alaman na ang napatay na drug suspek ay siya ring nasa likod ng pagpapakalat ng iligal na droga sa kanilang barangay.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 baril.

Read more...