Mahigit 300 bilanggo nakalaya dahil sa Justice on Wheels program sa Kidapawan City

Office of the Court Administrator

Nakalaya na ang nasa mahigit 300 mga bilanggo ng Northern Cotabato District Jail sa Kidapawan City.

Ito ay matapos maresolba ang kanilang mga kaso sa pamamagitan ng Enhanced Justice on Wheels Program (EJOW) ng Korte Suprema.

Ayon kay Court Administrator at SC spokesperson Midas Marquez, patuloy nilang inilunsad ang EJOW sa iba’t ibang mga lalawigan alinsunod sa direktiba ni Chief Justice Lucas Bersamin na pabilisin ang pagkakaresolba ng mga kaso sa mga mabababang korte.

Sa loob ng isang araw, naresolba rin ng EJOW ang nasa 200 kaso sa Kidapawan City.

Sa kabuuan, 12,000 mga bilanggo na ang nakalaya dahil sa programa at naresolba ang mahigit 10,000 mga kasong sibil.

2004 pa nang simulan ang EJOW na layong ma-decongest ang mga piitan sa bansa sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagdinig sa mga kaso.

Read more...