Sex symbol noong dekada ’70 pumanaw na

Namayapa na ang dating aktres at sex symbol noong dekada ’70 na si Alona Alegre sa edad na 70.

Mismong ang kapatid nito na si Phillip Salvador ang kumumpirma sa pagpanaw ng dating aktres.

Nabatid na nasawi si Alona matapos makaranas ng cardiac arrest na resulta ng kanyang asthma.

Sa ngayon ay nakaburol ang mga labi ni Alona sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City.

Sa pamamayagpag ng kanyang showbiz career, naging leading lady si Alona ni Da King Fernando Poe, Jr. sa pelikulang “Esteban” noong 1973.

Pinagbidahan niya rin ang mga pelikulang “Kung Bakit Dugo Ang Kulay ng Gabi,” “Sa Bawat Pintig ng Puso” at “Hello Lover, Goodbye Friend.”

Read more...