Inaasahang maglalagak ng piyansa si Senador Antonio Trillanes IV bukas, December 10, 2018.
Ito ay may kaugnayan sa apat na bilang ng kasong libel na isinampa ni Presidential son Paolo Duterte sa Davao City Regional Trial Court Branch 54.
Ayon kay dating University of the Philippines (UP) law dean Pacific Agabin, abogado ni Trillanes, may immunity sa pag-aresto si Trillanes dahil malinaw na nakasaad sa 1987 constitution na hindi maaring arestuhin ang isang mambabatas hangga’t may sesyon ang Kongreso.
Agad namang nilinaw ni Agabin na tanging sa nakabinbing kaso sa Korte Supreme siya nagsisilbing counsel ni Trillanes at hindi sa kasong libel na isinampa ni Duterte.
Aabot sa P24,000 ang piyansa sa bawat libel case na kinakaharap ni Trillanes.