Paliwanag ng tatlong obispo, sapat na ang pagbabantay ng mga pulis at sundalo para panatilihin ang peace and order sa Mindanao region.
Ayon kay Bishop Bagaforo, sapat na ang mahigit isang taon na Martial law sa Mindanao para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente roon.
Sinabi pa ni Bagaforo na mismong ang mga pulis at sundalo na rin ang nagsabi na normal na ang sitwasyon sa Mindanao kung kaya hindi na kailangan na palawigin pa ang Batas militar.
Matatandaang pormal nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na nais niyang palawigin pa ang Martial law sa Mindanao ng isang taon.
Idineklara ng pangulo ang Martial law sa Mindanao matapos sumiklab ang giyera sa Marawi City noong May 2017. Matatapos ang martial law sa December 31, 2018.