VIDEO: Pabrika ng karton sa Libis, Quezon City, mahigit 12-oras nang nasusunog

Tatlo ang nasugatan sa sunog sa isang pabrika ng karton sa Obrero Street, Barangay Bagong Bayan sa Quezon City.

Kabilang sa mga nasugatan sina Jeffrey Reyes, 26 anyos, at isang fire volunteer na nagtamo ng first degree burn sa kaniyang bibig.

Sugatan din ang isang 3 taong gulang na nagtamo ng minor injury sa kaniyang kamay, at ang isang 59 anyos na ginang na nakilalang si Rodora Apolinario na hinimatay naman sa takot matapos makita ang laki ng apoy.

Nasa limang gusali ng Box Board Containers Corporation na pag-aari ng isang Lucio Yan ang tinupok ng apoy.

Hindi naman na umabot sa mga kalapit na residente ang sunog.

Ang mga manggagawa sa nasabing pabrika ay ligtas lahat.

Read more...