1 patay sa karambola sa NLEX

Inquirer Northern Luzon

Patay ang isa katao makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), Linggo ng umaga.

Ayon sa mga otoridad, naganap ang banggaan sa northbound lane sa pagitan ng San Simon at San Fernando Exit sa NLEX.

Kabilang sa karambola ang isang Asian ulitity vehicle, dump truck at mini van.

Kinilala ng San Simon Police Station ang biktima na si Estrella de Castro-Callihan.

Nagdulot ang aksidente ng sikip sa daloy ng trapiko dahilan para isara ang overtake lane at buksan naman ang counter-flow lane.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang clearing operations sa lugar.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang sanhi ng aksidente.

Read more...