Lakers, wagi vs Grizzlies sa iskor na 11-88

AP photo

Tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Memphis Grizzlies sa kanilang NBA basketball game sa iskor na 111-88.

Pinangunahan nina LeBron James at Kyle Kuzma ang Lakers matapos makapagtala ng tig-20 points.

Maliban pa rito, nakakuha si James ng 9 assists at 8 rebounds habang 8 rebounds at 6 assists naman si Kuzma sa laro.

Ayon kay Kuzma, kailangan nilang maging propesyonal at ipagpatuloy ang trabaho na ibuhos ang lakas sa kabila ng back-to-back games.

Noong Biyernes, natalo ang Lakers kontra sa San Antonio Spurs sa iskor na 133-120.

Sinabi naman ni James na kailangan nilang mag-move on sa pagkatalo at paghandaan ang mga susunod na basketball game.

Samantala, nag-ambag naman ng 16 points sina Kentavious Caldwell-Pope at Josh Hart para sa koponan ng Lakers.

Read more...