Ice Seguerra, Liza Diño nagdiwang ng kanilang 4th wedding anniversary

Photo grab from Liza Diño’s Instagram account

Nagbigay sina Liza Diño at Ice Seguerra ng love letter sa isa’t isa para sa kanilang 4th wedding anniversary.

Gamit ang kanilang Instagram account, ibinahagi ni Liza ang kaniyang long message para kay Ice.

Aniya, dahil sa kaniyang asawa, naging malaya siya at hindi na takot tanggapin ang kabuuang pagkatao sa kabila ng mga pagkukulang.

Photo grab from Liza Diño’s Instagram account

Tinulungan din aniya siya ni Ice na maging komportable dahil lagi nitong ipinaparamdam na maganda siya sa lahat ng oras.

Samantala, una namang nagbigay ng kaniyang mensahe si Ice para sa kaniyang asawa.

Sa kaniyang Instagram account, nagpasalamat si Ice kay Liza dahil sa pagtulong nito na maging mabuti siyang tao.

Natuto rin aniya siyang manamit ng ibang istilo dahil sa kanyang asawa.

Matatandaang dalawang beses nagpakasal ang dalawa. Una silang kinasal sa San Francisco, California noong December 8, 2014 at sinundan ng beach wedding sa Batangas noong January 8, 2015.

Photo grab from Ice Seguerra’s Instagram account
Read more...