Inaasahang madagdagan ng P0.40 hanggang P0.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Mababawasan pa rin naman ang presyo ng mga produktong diesel at kerosene o gaas.
Ang diesel ay may katiting na rollback sa P0.10 hanggang P0.15.
Habang ang gaas ay matatapyasan ng P0.40 hanggang P0.50.
Ang pagtaas sa presyo ng gasolina ay dahil sa pasya ng Organisation of the Petroleum Exporting Countries at Russia na bawasan na ang produksyon ng langis.
Matatandaang ang sunud-sunod na rollback sa presyo ay dahil sa oversupply.
Inaasahan namang mararamdaman ang mas malaking epekto ng bawas-suplay sa mga susunod na linggo.