Sa isang panayam, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na dadagdagan ng isang oras ang botohan o mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng hapon na.
Kailangan anya ito dahil sa inaasahang pagpalo ng voting population sa 61 milyon kumpara sa 58 milyon noong 2016.
Sa kabila nito sinabi naman ni Jimenez na hindi daragdagan ang bilang ng vote counting machines (VCMs) at asahan na anya ang ilang mga pila.
Kaya ng bawat VCM na makapag-accommodate ng hanggang sa 1,000 botante.
Samantala, bagaman hanggang alas-6:00 lamang ng hapon, papayagan pa ring makaboto ang mga botante na nasa 30 meter-radius ng polling centers kahit lumampas na sa oras.
Kailangan lamang malista ng poll clerks ang pangalan ng mga botante at tatawagin ng tatlong beses para makaboto.
Sakaling hindi makasipot kahit natawag na ng tatlong beses, hindi na sila papayagan pang bumoto.