6 patay sa nightclub stampede sa Italy

Patay ang anim na katao habang sugatan ang mahigit sa limampung indibidwal sa naganap na stampede sa isang rap concert sa Italy.

Batay sa ulat, lima sa casualties ay mga kabataan na edad 14 hanggang 16-anyos.

Ang pang-anim na nasawi ay isang nanay na sinamahan lamang ang kanyang 8-anyos na anak sa naturang concert sa Lanterna Azzuerra o Blue Lantern club sa Corinaldo.

Sa imbestigasyon ng Italian police, daan-daang tao ang naghihintay sa performance ng rapper na si Sfera Ebbasta nang mayroon umanong mag-spray ng “irritant substance” na nagbunsod ng stampede.

Sinasabing “overcrowded” din sa nightclub, kung saan tinatayang nasa isang libo umano ang nasa loob ng establisimyento nang mangyari ang trahedya.

Ayon kay Italian interior minister Matteo Salvini, kailangang mapanagot ang responsable sa nangyari.

Habang nangako si Italian President Sergio Mattarella na aalamin ng mga otoridad ang anumang responsibility and negligence” sa naganap na stampede.

Read more...