Pa-bonfire ng Ateneo, itinakda sa Dec. 15

Ni-reschedule ng Ateneo de Manila University o ADMU ang kanilang “bonfire celebration.”

Sa anunsyo ng The Guidon, ang official student publication ng ADMU, sa halip na sa December 14 (Biyernes), gagawin na ang kanilang pa-bonfie sa December 15 (Sabado).

Ang bonfire celebration ay naging tradisyon na sa Ateneo, alay para sa kanilang champion student athletes.

Magiging highlight ng pa-bonfire ngayong taon ang back-to-back win ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP men’s basketball.

Matatandaan na tinambakan ng Ateneo Blue Eagles ang UP Fighting Maroons sa game 2 ng “Battle of Katipunan” para sa men’s basketball ng UAAP season 81.

Dahil dito, ang koponan ng ADMU ang nanatiling hari o UAAP champion.

Read more...