Miss Mexico, kinoronahan bilang Miss World 2018

Miss World FB page

Si Miss Mexico Vanessa Ponce de Leon ang kinoronahan bilang Miss World 2018.

Sa coronation night na ginanap sa China, tinalo ni de Leon ang mahigit sa isang daang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pagkakakuha ng titulo, si de Leon ang unang Mexican woman na Miss World.

Runner-up naman si Miss Thailand Nicolene Limsnukan, habang pumasok sa Top 5 sina Miss Belarus Maria Vasilevich, Miss Jamaica Kadijah Robinson at Miss Uganda Quiin Abenakyo.

Bigo naman ang pambato ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez na makapasok sa Top 30 ng naturang beauty pageant.

Sa social media accounts ng Miss World Philippines, sinabi ng organisasyon na nalulungkot sila sa naturang balita.

Pero, “proud” umano sila kay Rodriguez at nagpasalamat sa ating kandidata sa pag-represent niya sa Pilipinas sa 68th Miss World.

Read more...