Mga expired na pagkaing pang-Pasko, nakumpiska ng FDA sa Quinta Market

Photo by: Lyn Rollin/PDI

Hinimok ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na maging mapagbantay sa mga tindahan na nagtitinda ng murang sangkap para sa mga panghanda sa Pasko.

Ito ay kasunod ng nakumpiskang mga expired na pagkain o produkto sa Quinta Market kamakailan.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, nakumpiska nila ang tinatayang P127,000 na halaga ng expired na mga pagkain sa tatlong tindahan sa Quinta Market sa Quiapo, Manila.

Kasunod ito ng reklamong natanggap ng ahensya na expired ang ilang murang pagkaing pang-Pasko sa naturang palengke.

Babala ni Puno, malalagay sa panganib ang kalusugan ng nakabili ng expired food items.

Maaari itong magdulot ng diarrhea, pagsusuka at food poisoning.

Read more...