Valdez, itinanghal bilang PVL Season 2 Open Conference MVP

Inquirer file photo

Pinarangalan si Creamline star Alyssa Valdez bilang Most Valuable Player sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference.

Nanaig ang kaniyang kahanga-hangang statistics base sa kaniyang performance sa elimination round at ang pamumuno nito sa koponan.

Nakapagtala si Valdez ng 280 points sa loob ng 14-game double round robin eliminations.

Nanguna rin ang manlalaro sa liga sa kaniyang attack rate na 40.38% at aces na may average 0.65 na service winner per set.

Si Valdez ay kilalang dating manlalaro ng Ateneo de Manila University.

Read more...