Batanes, niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Batanes, Sabado ng hapon.

Sa inilabas ng impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 1 kilometer Southwest ng Uyugan dakong 5:16 ng hapon.

May lalim itong 33 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...