Publiko, hinikayat na tularan ang Birheng Maria kasabay ng Pista ng Immaculate Conception

CBCP photo

Hinimok ng Malakanyang ang publiko na gayahin ang mga katangian ng Birheng Maria kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Immaculate Conception, araw ng Sabado.

Sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, hinikayat ang publiko na gaya ng Birheng Maria ay maging mapagkumbaba, tapat at mapag-kalinga.

Ayon sa Palasyo, ang mga katangian ng Birheng Maria ang magpapalakas sa debosyon ng mga mananampalataya at magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

Nakasaad din sa pahayag na si Maria ang “epitome of faith” at “source of inspiration” para sa mga Pinoy sa gitna ng mga hamon at problema sa buhay.

Ipinaalala rin ng Malakanyang na si Maria ay walang pag-iimbot nang tanggapin nito ang imbitasyon na maging ina ni Hesukristo.

Sa gitna ng banggaan ng Pangulo at ng Simbahang Katolika, nakikiisa pa rin ang pamahalaan sa mga Katolikong Pilipino sa pagdiriwang ng Pista ng Mahal na Birhen.

Noong nakaraang taon ay nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 10966 na nagdeklara sa December 8 na special non-working holiday kasabay ng Immaculate Conception.

Read more...