Mga guro, obligado pa ring pumasok sa Christmas break – DepEd

Obligado pa rin ang mga guro sa mga pampublikong eskwelahan na mag-report sa trabaho sa Christmas break mula December 16 hanggang 22.

Sa isang pahayag ay nilinaw ng Department of Education (DepEd) ang Deped Memorandum Order No. 49 kung saan nakatakda na anggang December 15 na lamang ang klase sa public schools at Christmas break mula December 16 hanggang 22.

Iginiit ng ahensya ang kanilang Order No. 53 kung saan nakasaad na required pa ring magtrabaho ang mga guro sa naturang petsa ng Christmas break.

Paliwanag ng Deped, ang pagtuturo ay serbisyo-publiko na agad kailangan at anumang delay ay makakaapekto sa outcome ng mga estudyante.

Dagdag ng ahensya, ang attendance ng public school teacher sa Christmas break ay dapat na alinsunod sa ilang alituntunin.

Kabilang ang letter-request na isinumite ng school head sa kaukulang shool division, sapat na dahilan na may umiiral na exigency of public service at aprubadong letter-request ng Schools Division Superintendent.

Samantala, nakasaad sa Deped Order No. 25 na may discretion ang private schools na magkaroon ng sariling school calendar kabilang ang Christmas break pero kailangan na masunod ang minimum na bilang ng araw ng pagpasok.

Read more...