6 patay, 100 sugatan sa stampede sa Italy nightclub

AFP photo

Patay ang anim katao matapos magkaroon ng stampede sa isang nightclub sa Corinaldo, Italy.

Batay sa ulat, naganap ang stampede sa Lanterna Azzurra nightclub sa Corinaldo sa bahagi ng Adriatic coast kung saan nakatakda sanang mag-perform ang rapper na si Sfera Ebbasta.

Tatlong babae, dalawang lalaki at isang nanay na sinamahan ang anak sa event ang nasawi sa insidente.

Mahigit 100 katao naman ang sugatan kabilang ang isang dosenang nagtamo ng matinding injury.

Ayon sa mga otoridad, posibleng mayroong nakapag-spray ng kemikal tulad ng pepper spray sa mga tao kung kaya’t nagdulot ito ng panic sa emergency exits.

Read more...