Ayon kay Leon Dulce, national coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment and Indigenous people na naka-base sa Nueva Vizcaya, naghain sila ng UN special procedures complaint laban sa pangulo.
Inakusahan ng grupo si Duterte na pinayagan umano nito ang patuloy na operasyon ng Canadian mining firm Oceanagold kahit sinuspinde na ito ni dating Environment Sec. Gina Lopez noong February 2017.
Sinabi pa ng kalikasan na ang mga katutubong tutol sa naturang kumpanya ang target umano ng militarisasyon ng administrasyong Duterte.
Ibinahagi ng grupo ang dinanas na paglabag sa karapatang pantao ng mga katutubo na kagagawan umano ng militar at kung paano nasira ang kanilang lugar dahil sa expansion ng mining firm na Oceanagold.
Ayon kay Atty. Kathy Panguban ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), hiniling nila sa UN na imbestigahan ang kanilang reklamo at papanagutin ang gobyerno ni Duterte.