Sa 4am weather update ng ahensya, easterlies at hanging Amihan lamang ang umiiral na weather systems ngayon.
Dahil sa Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley Region inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mahihinang pulo-pulong pag-ulan.
Dahil naman sa epekto ng easterlies, mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern at Central Visayas, CARAGA at Davao Region.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang pagpalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Provinces, La Union at Pangasinan.