Tanggap ni Atty. Levi Baligod ang naging hatol ng Sandiganbayan 1st Division kay dating Sen. Bong Revilla, para sa plunder case nito ukol sa Pork Barrel scam.
Ayon kay Baligod, ang complainant laban kay Revilla, ang acquital ng dating mambabatas ay hindi naman nagbubura sa katotohahan na mali ang naging paggamit sa PDAF ni Revilla noon.
Si Revilla ay inakusahang nagbulsa ng mahigit P200 million kickbacks sa pagpapagamit ng kanyang pork barel funds sa bogus non-government organization o NGO ni Janet Lim Napoles.
Sa ruling ng korte, acquitted si Revilla pero hinatulang guilty sina Napoles at Richard Cambe na may sentensyang reclution perpetua.
Sa pagkaka-abswelto naman ni Revilla, iginiit ni Baligod na napapanahon na para sa Kongreso na magkaroon ng reporma sa budget process, kaugnay sa pork barrel system.