CNN office sa NY, binulabog ng bomb threat

Associated Press

Binulabog ng bomb threat ang New York office ng CNN, Huwebes ng gabi roon.

Nangyari ito bago i-post ni US President Donald Trump ang tweet na “FAKE NEWS – THE ENEMY OF THE PEOPLE!”

Nagsilikas naman ang mga CNN employee dahil sa bomb threat.

Sa imbestigasyon ng pulisya roon, ang banta ay ginawa “by phone” na nagbunsod sa mga empleyado ng CNN maging sa mga tao na nasa Time Warner Building at Columbus Circle na magsilabasan.

Isinara rin ang bahagi ng 58th street sa mga motorista at pedestrians.

Naiulat ang bomb threat sa mga pulis sa pamamagitan ng isang 911 call.

Walang natagpuang bomba sa naturang lugar, pero nag-inspeksyon pa rin ang mga otoridad upang matiyak na ligtas ang area.

Binuksan ang building makalipas ang isang oras o matapos ideklarang “safe” ang lugar.

Read more...