WATCH: Trailer ng Avengers 4, inilabas na

Inilabas na ng Marvel Entertainment ang trailer ng Avengers 4: End Game.

Sa naturang trailer, makikita ang original Avengers members na sina Iron Man na ginagampanan ni Robert Downey Jr. at Captain America na ginagampanan naman ni Chris Evans.

Batay sa naunang balita, ang Avengers 4 ang huling Marvel movie ni Evans.

Featured din sa trailer si Black Widow, o si Scarlett Johansson, Thor o si Chris Hemsworth at ang nagbabalik na si Hawkeye, na ginagampanan naman ni Jeremy Renner.

Sa April 2019 ipapalabas ang Avengers 4, na mas maaga sa inaasahan.

Bukod sa Avengers 4, inaabangan na rin ang Captain Marvel at Spider-Man: Far from Home.

Read more...