10 napasama sa JBC shortlist para sa hihiranging susunod na SC justice

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Sampung pangalan ang napasama sa shortlist ng Judicial and Bar Council para sa magiging susunod na mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ay para sa babakantehing pwesto ni Associate Justice Noel Tijam na nakatakdang magretiro sa January 5.

Sa shortlist ng JBC na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte nakakuha ng tig-aanim na boto sina CA Justices Manuel Barrios, Japar Dimaampao, at Amy Lazaro-Javier.

Tigli-limang boto naman ang nakuha nina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at CA justices Ramon Cruz, Ramon Garcia, at Mario Lopez.

Habang tig-aapat na boto sina CA justice Apolinario Bruselas, Court Administrator Jose Midas Marquez at dating Ateneo law dean Cesar Villanueva.

Read more...