‘Yan ang bahagi ng pahayag ni Aquino matapos maabswelto ng Sandiganbayan 1st division si Revilla sa kasong plunder, kaugnay sa Pork Barrel scam.
Ang mga co-accused ni Revilla na sina Janet Lim-Napoles at dating tauhan na si Richard Cambe ay nahatulang guilty at nasentensyahan.
Saad pa sa statement, sinabi ni Aquino na sa halip na malinawan sa desisyon ng korte ay posibleng malilito lamang ang mga taong babasa o mag-aaral nito.
“The media reports that his co-accused were found guilty. That fact proves a crime was committed. I am sure that if one were to study the decision once released, one would be confused and bewildered instead of enlightened,” ani Aquino.
Pero ayon sa dating presidente, masaya siya na hindi niya trabaho na ipaliwanag ang hindi maipaliwanag.
“I am glad it is not my job to explain the unexplainable.” dagdag pa ni Aquino.
Sa administrasyon ni Aquino nakasuhan at nakulong si Revilla, dahil sa pagkakadawit nito sa Pork Barrel scandal.
Bukod kay Revilla, naging ganoon din ang nangyari kina dating Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.