Sa pahayag kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na aprubahan ang martial law extension at ang suspensyon ng privilege ng writ of habeas corpus sa buong Mindanao sa loob ng isang taon.
Ayon kay Panelo, sa kasagsagan ng pag-iral ng martial law ay naging maayos ang progreso ng pagtugon sa rebelyon sa Mindanao at ang pagpapatupad ng seguridad at peace and order doon.
Gayunman, masasabing naroroon pa rin ang banta ng rebelyon kaya kailangan pa ang pag-iral ng martial law.
Nasa Kongreso na aniya ngayon ang pagpapasya kung aaprubahan ang hiling ng pangulo.