Distributor ng lambanog na nainom ng mga nasawi sa Laguna natukoy na

Natukoy na ng lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa City sa Laguna ang distributor ng lambanog na nabili sa mga sari-sari store at sinasabing nakalason sa 10 katao.

Ayon kay Sta. Rosa Police chief, Supt. Eugene Orate patuloy pa ang imbestigasyon nila sa nasabing distributor.

Sa ngayon hindi pa maibunyag ni Orate ang pangalan ng distributor, habang hinahanap naman na ang manufaturer.

Ang lambanog na ininom ng mga nasawi sa Sta. Rosa City at sa Calamba ay may brand na “bossing”.

Ayon kay Orate, ang bote ng “bossing” ay walang address, walang FDA registration at wala ring manufacturing date.

 

Read more...