Senado nagpatawag na ng security briefing para sa hiling ng pangulo na martial law extension sa Mindanao

Nagtakda ng security briefing ang Senado kasunod ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Sa liham ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nagpatawag ito ng security briefing sa mga kapwa-senador.

Itinakda ito sa Lunes, Dec. 10, 2018 alas 10:00 ng umaga.

Ayon sa liham, pagkatapos ng roll call ay magkakaroon ng securitiy briefing para talakayin ang martial law extension.

Sa hiling ng pangulo, nais nitong palawigin ng Kongreso hanggang Dec. 2019 ang martial law sa Mindanao.

Read more...