Isasagawa ng Comelec sa dalawang magkahiwalay na araw ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.
Sa schedule na inilabas ng Comelec, itinakda ang plebisito sa January 21 at February 6, 2019.
Sa January 21 ang plebiscite para sa geographical areas na bumubuo sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), gayundin ang Isabela City sa Basilan, at Cotabato City.
Habang para naman sa mga lugar kung saan ang mga local government ay humiling na mapasama sila sa plebiscite o di kaya naman ay ang 10 percent ng rehistradong botante ang humiling, ay gagawin ang plebisito sa February 6.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Lanao Del Norte maliban lang sa Iligan City, at mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa North Cotabato.
Sa ngayon sinabi ng Comelec na mayroong 99 na petitions foir inclusion in the Bangsamoro Autnomous Region in Muslim mindanao ang nakabinbin at nakatakda nilang desisyunan.