Standoff sa pagitan ng mga pulis at mayoralty candidate sa Marilao, 20-oras na

Kuha ni Den Macaranas

20-oras nang tumatagal ang stand off sa pagitan ng mga otoridad sa Marilao Bulacan at mayoralty bet Andre Santos.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtanggi ni Santos na lumabas ng kaniyang bahay kung saan naroon at nakabarikada ang

mga otoridad na magsisilbi sa kaniya ng warrant of arrest.

Pinaalis na rin muna ng mga otoridad ang mga kapitbahay ni Santos para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Maging ang mga lokal na opisyal sa Bulacan ay nagtungo na sa lugar para himukin si Santos na sumuko.

Gayunman, bigo ang mga itong mapalabas si Santos.

Ang kaso ni Santos ay nag-ugat sa umano ay pagkakautang nito sa isang gambling lord.

Read more...