Fr. Reyes hinimok si Cardinal Tagle na manindigan laban kay Pangulong Duterte

Umapela ang tinaguriang ‘running priest’ na si Fr. Robert Reyes sa mga lider ng Simbahang Katolika na magsalita na laban sa mga birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahan, mga obispo at mga kaparian.

Matatandaang sa isang talumpati sa Malacañang, hinimok ng presidente ang publiko na patayin na lamang ang mga obispo na anya’y wala namang silbi.

Sa isang panayam, partikular na umapela si Reyes kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Giit ni Reyes, dapat ay magtulungan ang bawat isang pastol ng Simbahan upang maiwasan ang pamamaslang sa isa pang pari.

Humiling din ang running priest kay Pangulong Duterte na bilang isang ama, dapat ay maging maingat ito sa kanyang mga pahayag lalo na sa pagkumbinsing pumatay.

Umabot na sa apat na pari ang napatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Read more...