Barangay sa Makati idineklarang drug-free ng PDEA

Nadagdagan ang bilang ng mga barangay sa lungsod ng Makati na idineklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa regular meeting na dinaluhan ng Southern Police District (SPD), Makati City Police Station, Makati Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), at Makati Anti-Drug Abuse Council (MADAC), idineklarang drug-cleared ang Barangay Bel-Air.

Nauna nang naging drug-free ang mga barangay Forbes Park, Urdaneta, Dasmariñas, at Magallanes.

Sa kabuuan, lima na sa 33 mga barangay sa lungsod ang wala nang banta ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, tinalakay sa naturang pulong ang pagpapaigting ng kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga, maging sa kriminalidad.

Napag-usapan din ang tungkol sa pagpapalakas ng rehabilitation program para sa mga drug dependents.

Inatasan din ang mga opisyal ng barangay na i-update ang kanilang drug watchlist.

Read more...