Presyo ng petrolyo, posibleng tumaas na sa susunod na linggo

Matapos ang walong sunud-sunod na rollback, nagbabadya na ang pagtaas sa presyo ng oil products sa susunod na linggo.

Ito ay matapos tumaas ang presyo ng langis sa unang tatlong araw ng trading sa world market.

Mula nitong Lunes hanggang Miyerkules ay umabot na sa P0.47 ang itinaas sa presyo ng imported na gasolina habang P0.10 naman ang sa diesel.

Matatandaang ang dahilan ng serye ng rollback noong mga nagdaang linggo ay dahil sa sobrang suplay ng langis.

Gayunman, sinimulan na ng Organisation of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa Vienna, Austria ang pulong upang desisyunan ang pagbabawas sa produksyon ng langis na umaabot sa higit 1 milyong bariles kada araw.

Malalaman ang pinal na halaga ng igagalaw sa presyo ng petrolyo batay sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

Read more...