Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na makulong dahil sa kampanya laban sa droga pero hindi raw nito kailanman kikilalanin ang International Criminal Court (ICC).
Sa talumpati sa Malacañan ay sinabi ng pangulo na siya ang may responsable sa nasa 4,000 engkwentro ng mga drug suspects sa mga pulis.
Sagot niya umano ito at handa siya kung kailangan na siya ay makulong.
Pero hindi umano kinikilala ni Duterte ang ICC na binuo lang ng European Union (EU) at ang Pilipinas ay walang papel sa pagtatag nito.
Sinabi ng pangulo na siya ay nasa ilalim lamang ng kapangyarihan ng justice system sa bansa.
Ang pangulo ay nasa ilalim ng preliminary examination sa ICC kaugnay ng reklamong inihain ni Atty. Jude Sabio noong May 2017 na crimes against humanity dahil sa libo-libong namatay sa war on drugs ng administrasyon.