Dumating sa Samar ang 60 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) para labanan ang “lawless violence” sa lalawigan.
Ayon kay Chief Superintendent Dionardo Carlos, Eastern Visayas police director, ang dagdag na tropa ng SAF ay nasa provincial headquarters sa Catbalogan City.
Agad anyang itinalaga ang SAF members matapos ilabas ang Memorandum Circular 32 para labanan ang karahasan sa probinsya.
Ang SAF troppers ay itatalaga sa mga partikular na lugar sa Samar oras na may nagawa ng guidelines mula sa kanilang counterparts sa 8th Infantry Division nan aka-base rin sa Catbalogan City.
Aatasan ni Carlos ang lahat ng police headquarters sa lalawigan na mag-organisa ng sariling pwersa para tumulong sa SAF members.
Pinawi naman nito ang pangamba na ang dagdag-pwersa ay magdudulot ng pag-abuso o paglabag sa karapatang pantao.