Ibig sabihin, hindi na kakailanganin ng game 3 sa finals, dahil hindi na hinayaan pa ng Ateneo na makaubra ang UP.
Sa pagtatapos ng 3rd quarter, malaki ang lamang Blue Eagles kontra sa Fighting Maroons, sa score na 70-54.
Si Angelo Kouame ang nag-ambag ng malaking puntos para sa koponan ng Ateneo.
Sa unang bahagi ng 4th quarter, tumaas ang lead ng Blue Eagles kontra Fighting Maroons.
Humantong pa sa 21 ang lamang ng Ateneo sa UP bago ang 7-minute marker.
Humataw pa si Thirdy Ravena ng mga 3-points shot para sa kanyang team.
At sa huling tatlong minuto, 2-digits pa rin ang lamang ng Ateneo sa UP.
Sa bandang huli, ang Ateneo pa rin ang nanalo at napanatili ang kanilang trono bilang UAAP men’s basketball finals champion.
Umabot sa 23,471 ang gate attendance sa Araneta Coliseum kung saan ginawa ang game 2.