Ayon kay Speaker GMA, dumaan sa demokratikong proseso ang isinagawang pagpasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa sa Resolution of Both Houses No. 15.
Pinagdebatehan anyang mabuti sa plenaryo ang RBH 19 at pinagbotohan ito ng mga mambatas.
Ang RBH No. 15 ay nagsusulong ng presidential-bicameral-federal system of government at binibigyang kapangyarihan ang Kongreso ng federal states sa pamamagitn ng pagconvene bilang isang constituent assembly (Con-Ass).
Inalis na sa ilalim ng inaprubahang draft ng federal constitution ang term limit ng mga kongresista at senador gayundin ang pagbabawal sa political dynasty.
Laman rin ng draft ang panukala na hanggang apat na taon lamang ang termino ng pangulo at pangalawang pangulo pero pwede silang tumakbo bilang re-electionists.