Ikinakasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga kay outgoing Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez na maging Presidential Adviser on the Peace Process.
Papalitan ni Galvez ang nag-resign na si dating Secretary Jess Dureza na nagbitiw sa puwesto matapos masangkot sa anomalya ang kanyang dating tauhan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pahayag sa kagustuhan na italaga si Galvez sa cabinet meeting kagabi.
Sa December 12 nakatakdang magretiro sa serbisyo si Galvez.
Magugunitang bumaba sa pwesto si Dureza makaraang masangkot sa katiwalian ang dalawa sa kanyang mga tauhan.
MOST READ
LATEST STORIES