Wala nang nakikitang rason ang Malacañang para magpalabas ng executive order para magpatupad ng total closure sa Panglao Island sa Bohol at El Nido sa Palawan para bigyang daan ang kinakailangang rehabilitasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pahayag sa cabinet meeting kagabi sa Malacañang.
Sinabi ng kalihim na nagkasundo kasi ang mga miyembro ng gabinete kagabi na huwag nang mag-isyu ng EO at hindi gayahin ang Boracay rehab project na sumailalim sa total closure ng anim na buwan para bigyang daan ang rehabilitasyon.
Una nang inirekoemnda ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government at Department of Tourism na isaialim sa rehabilitasyon ang Panglao island at El Nido dahil sa environmental problems.
Bukod sa nasabing mga lugar nauna na ring lumutang ang panukala para isailalim rin sa rehabilitasyon ang Baguio City at Sagada sa Mountain Province.