Pagbasura sa Train Law muling iginiit sa SC ng isang consumer group

Naghain ng kanilang ikalawang mosyon sa Supreme Court ang grupong Laban Konsyumer Inc. para harangin ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train Law).

Sinabi ng lider ng grupo na si dating Trade Usec. Victorio Dimagiba na panibagong pasanin ng sambayanan ang naka-amba lalo’t pinayagan ng pangulo ang second round ng pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo kaugnay pa rin sa nasabing batas.

Magiging epektibo ito sa unang araw ng taong 2019.

Sa kanilang mosyon, sinabi ng grupo na nabigo rin ang pamahalaan na ibalik sa dating halaga ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito ay sa kabilang ng ilang linggong sunod na price rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Dahil dito, sinabi ng Laban Konsyumer Inc. na panibagong dagdag presyo sa bilihin ang kakaharapin ng publiko sa Enero dahil sa dagdag na excise tax sa petrolyo.

Hinamon rin ng grupo ang mga economic managers ng pangulo na pag-aralang mabuti ang epekto nito lalo na sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

Read more...