Refund sa presyo ng fare matrix iginiit ng Piston

Inquirer file photo

Ipinasasauli ng grupong Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o Piston ang mga nasingil na taripa o fare matrix para sa nakaraang pagtaas sa pasahe.

Ito’y kasunod ng pasya ng gobyerno na ibaba sa P9.00 ang minimum fare sa jeepney.

Ayon kay Piston President George San Mateo, dapat na ibalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga ibinayad ng mga drayber at operators para sa fare matrix.

Paalala ni San Mateo, pinilahan at nagkandahirap ang mga tsuper at operators para lamang makakuha ng fare matrix noong umabot sa P10.00 ang pasahe sa jeepney.

Matatandaang na aabot sa P570 ang singil sa jeepney drivers at operators upang makakuha sila ng fare matrix at makapagsimulang maningil ng dagdag-pasahe.

Pero ayon kay San Mateo, babawiin din pala ang dagdag-pasahe nang wala pang isang buwan at hindi man lamang sila nasabihan.

Kumita pa raw ang LTFRB dahil sa fare matrix, habang ang mga driver at operators ay halos walang kita sa rollback sa pasahe.

Read more...