Nagbabala ang isang business group sa paglala ng labor shortage sa Canada.
Mahigit 430,000 na trabaho sa small at medium sized na mga kumpanya ang nananatili umanong hindi napupunan sa loob ng nakalipas na apat na buwan.
Sa ulat ng Canadian Federation of Independent Business (CFIB) ang job vacancy rate sa Canada ay tumaas pa sa 3.3 percent mula sa dating 2.9 percent.
Sinabi ni CFIB chief economist Ted Mallett, ramdam na sa mga kumpanya sa Canada ang krisis.
Partikular na nararanasan ang labor shortage sa services sector, construction, agricultural, at oil and gas.
READ NEXT
Malakanyang nangangambang magalit ang China kapag sinuri ang weather stations sa West Philippines Sea
MOST READ
LATEST STORIES