Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, baka kasi ma-provoke ang China at mauwi lang sa armadong komprontasyon ang sitwasyon.
Ayon kay Panelo, mas makabubuting idaan na lamang sa negosasyon at diplomasya ang naturang usapin.
Una rito, inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring hindi na suriin ng Pilipinas ang ulat ng paglalagay ng weather stations ng China sa Kagitingan Reef, Subi Reef, at Panganiban Reef sa West Philippine Sea. You need to go inside the territory that this particular country claims that it’s theirs. So you may have some problems there. It may even provoke something that we don’t want. They claim that it’s theirs but the arbitral ruling says it’s ours. Meanwhile, nobody seems to want to enforce it. That’s precisely why we are using the mechanism of diplomacy and negotiation,” ayon kay Panelo.