Nagbabala si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na handa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na depensahan ang kanilang mga sarili sa anumang pag-atake ngayong Kapaskuhan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sison na sa pagpapatuloy ng all-out war at iba pang mga terrorist acts ay handa ang NPA na maglunsad ng aktibong depensa.
Samantala, ipinag-utos na aniya niya na magkaroon ng temporary unilateral ceasefire sa kanilang panig ngayong Kapaskuhan.
Ito aniya ay para ipakita ang pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa buong bansa, gayundin para sa kanilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa December 26.
Nitong nakaraang linggo ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo siya ng Duterte Death Squad na ipangtatapat sa Sparrow Unit ng NPA.