Konsehal patay sa ambush sa Zamboanga Del Sur

Dead-on-the-spot ang isang Sangguniang Bayan member makaraan siyang tambangan ng mga armadong kalalakihan kaninang tanghali sa Brgy. Bobongan, Ramon Magsaysay, Zamboanga Del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Sominot, Zamboanga Del Sur Councilor Romeo Mainar Sr.

Sa paunang report, sakay umano ng kanyang motorsiklo ang biktima nang ito ay sabayan ng riding-in-tandem.

Bigla na lamang binaril ng mga suspek ang biktima na naging dahilan ng kanyang kaagad na kamatayan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang motibo sa krimen sabay ng pagbuo ng isang team ng PNP sa lugar para magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon.

Read more...