Martial law extension ipauubaya sa Kongreso ng Malacañang

Inquirer file photo

Ipinauubaya na ng Malacañang sa pagpapasya ng Kongreso kung palalawigin o hindi ang umiiral na martial law sa Mindanao region.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay wala ring magagawa ang ehekutibo kung tututulan ito ng Kongreso.

Sa ilalim aniya ng Konstitusyon, ang Kongreso ang may kapangyarihan para magbigay ng otoridad sa pagpapatupad ng martial law.

Noong May 2017 nang ideklara ni Duterte ang martial law sa Mindanao region dahil sa ginawang paglusob ng teroristang ISIS at Maute group sa Marawi City.

Nauna nang sinabi ng liderato ng militar na kanilang ipapanukala sa pangulo na palawigin ang batas militar sa Mindanao dahil sa kahilingan na rin ng mas nakararaming residente doon.

Mamayang gabi sa cabinet meeting sa Malacañang ay nakataksang isapinal ang nasabing isyu.

Magtatapos ang martial law extension sa December 31, 2018.

Read more...