Sa halos ay 2,000 personnel ng MMDA na nagpapatupad ng road safety at public policy ay nasa 40 lamang ang may dalang breath analyzers.
Ito ang ginagamit para malaman kung pasok sa maximum allowable alcohol intake ang isang nakainom na driver na nasangkot sa isang aksidente.
Sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na dapat ay hindi lalampas sa 0.05mg ang blood alcohol content para sa mga nagmamaneho ng pribadong sasakyan.
Zero alcohol content naman para sa mga tsuper ng motorsiklo, trak at mga public utility vehicles.
Inamin rin ni Pialago na hanggang alas-diyes lamang ng gabi ang duty ng kanilang mga traffic enforcers samantalang kadalasang nagaganap ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga lasing tuwing madaling-araw.
Sa tala ng MMDA, umaabot sa sampung vehicular accident kada buwan ang kinasasangkutan ng mga lasing na tsuper.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10586 or the Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, ang mga lasing na driver ay pagmumultahin ng mula P20,000 hanggang P500,000, pwede rin siyang makulong ng higit sa tatlong buwan kapag nasangkot sa aksidente at revocation ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.